Dito, Laro ang Buhay at Lahat ng Bata Ay Kabilang
Dito sa amin sa Steven & Hudson Playschool, alam namin na ang bawat bata ay natututo sa sarili nilang paraan. Ang ilan ay madaldal at mahilig makipagkaibigan, habang ang iba naman ay mahiyain o may ibang paraan ng pakikipag-usap. Neurotypical man o neurodivergent, lahat ng bata ay may lugar dito.
Sa tamang environment, exciting activities, pakikipag-kaibigan at pakikisalamuha, at pag-unawa, dito nagsisimulang matututo ang mga bata kung paano maging mas kumpiyansa at hindi maging mahiyain, at maramdaman na sila ay parte ng isang happy community.

Bakit Mahalaga ang Inclusivity sa Social Growth ng Bata?
Bilang magulang, gusto mong makita ang anak mong masaya, na hindi natatakot makipagkaibigan, na naiintindihan ang iba, at na kayang ipahayag ang sarili.
Sa Steven & Hudson, ang inclusivity ay hindi lang isang prinsipyo, ito rin ay isang natural na paraan ng pakikipagsalamuha, kung saan natututo ang ating mga anak na tanggapin ang iba, matuto mula sa iba’t ibang personalidad, at yakapin ang sariling uniqueness.
Sa Tamang Kapaligiran, Social Growth ay Kusang Nadedevelop ang mga sumusunod:
Ang Laro Ay Para Sa Lahat
Sa amin, walang “tamang paraan” ng pakikisalamuha. Ang ibang bata ay extroverted, ang iba ay tahimik, ang iba ay may sensory preferences, lahat ay valid, lahat ay tinatanggap. Sa pamamagitan ng play-based learning, natututo silang ipahayag ang sarili sa paraan na komportable para sa kanila.
Sa Steven & Hudson Playschool, ang laro ay hindi lang saya, ito ay daan patungo sa kumpiyansa sa sarili, koneksyon, at tunay na pakikipagkaibigan.
Dito, Laro ang Buhay, At Lahat ng Bata Ay Kabilang
Sa amin, hindi lang basta “natututo” ang bata, lumalakas din ang loob nila, natuto sila makisalamuha, at nagiging bahagi ng isang masaya, tanggap, at inklusibong community.
Welcome sa aming playschool kung saan priority namin ang matuto ang inyong anak, sa tamang paraan, sa saktong bilis at sa tamang grupo ng kaibigan.